PAGTATAMPOK ng mga Karanasan sa Modular Class sa Asignaturang Filipino ng mga Mag-aaral: Isang Naratolohikal na PAG-AARAL

Authors

  • Alliah Jireh C. Lazarte Luna National High School Author
  • Dr. Christopher C. Baldonado University of the Immaculate Conception image/svg+xml Author

Keywords:

Pagtatampok ng karanasan, modular class, asignaturang filipino, karanasan ng mag-aaral, naratolohikal na pag-aaral, pananaliksik sa edukasyon

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa karanasan ng mga mag-aaral sa Modular Class sa Asignaturang Filipino. Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na maitampok ang mga naging karanasan ng mga mag-aaral sa modular class sa Asignaturang Filipino, kung paano nila hinarap ang mga pagsubok at malaman kung ano ang pananaw nila sa pagkakaroon ng modular class. Ang pananaliksik na ito ay ginamitan ng kwaliteytib na pamamaraan sa uring naratolohikal. Ginamit ang metodong in-depth interview at masusing pagmamasid sa atentibong pangangalap ng datos. Napag-alaman sa pananaliksik na ito na marami ang naging hamon ng mga mag-aaral sa pagharap ng Modular Learning, iilan sa mga ito ang kawalan ng agarang pidbak mula sa guro, pagkakaroon ng kawalan ng gana sa pag-aaral, kahirapan sa pag- unawa ng mga aralin, kawalan ng pokus sa pag-aaral, at iba pa. Lahat ng mga hamong ito ay kanilang napagtagumpayan sa pagharap sa mga hamon ng modular na pag-aaral sa Asignaturang Filipino. Ang mahusay na pamamahala ng oras, kolaborasyon sa iba, paggamit ng teknolohiya, at pagpapakita ng determinasyon ay ilan lamang sa mga susi sa matagumpay na pagkatuto sa kabila ng mga hamon. 

Downloads

Published

2026-04-28

Issue

Section

Articles