ANG EBOLUSYON at Barayti ng Wikang Filipino sa Mundo ng Social Media: Isang Corpus-Based na PAG-AARAL

Authors

  • Melissa A. Tao Jose Marie College Foundation Inc. Author
  • Dr. Christopher C. Baldonado University of the Immaculate Conception image/svg+xml Author

Keywords:

Ebolusyon ng wika, barayti ng wika, social media, wikang Filipino, corpus-based na pag-aaral, wikang panlipunan

Abstract

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-unawa sa patuloy na pag-usbong at pag-unlad ng wikang Filipino sa mga digital na platporm. Sa pananaliksik na ito, tinutukan ang tatlong pangunahing aspeto ng wikang Filipino na makikita sa social media: ang pagbabago ng bokabularyo, kahulugan ng wika batay sa konteksto, at estilo ng komunikasyon. Ginamit sa kwalitatibong pamamaraan ang corpus-based na dulog upang sistematikong masuri ang anyo ng wikang Filipino sa social media. Ang kalipunan ng datos ay binubuo ng 10,000 pampublikong post mula sa tatlong pangunahing platapormang digital: Facebook, Twitter, at Instagram.  Sumasaklaw ang post mula taong dalawang libo at labimpito hanggang sa kasalukuyan. Pagkatapos nito, ipinroseso ang datos gamit ang AntConc Software na isang kagamitan para sa corpus analysis. Sa tulong ng AntConc, natukoy ang mga pinakamadalas lumabas na mga salita o parirala sa isang corpus at ang dalas ng paggamit nito, kaya matutukoy ang mga termino. Sa huli, nakabuo ng isang komprehensibong glosaryo ng mga makabagong anyo ng wika na may kalakip na kahulugan, halimbawa sa aktwal na post, at mungkahing pangungusap. Mahalagang tandaan na ang resulta ng pananaliksik ay nakabatay lamang sa mga post sa social media at hindi maaaring ilapat sa lahat ng larangan ng paggamit ng wikang Filipino. 

Downloads

Published

2026-04-28

Issue

Section

Articles