PANANAW sa AI at Pakikilahok ng mga Mag-aaral bilang Prediktor ng Estratehiya sa Pagkatuto ng Kasanayang PANGWIKA

Authors

  • Regine A. Ranolo Daniel R. Aguinaldo National High School Author
  • Dr. Christopher C. Baldonado University of the Immaculate Conception image/svg+xml Author

Keywords:

AI, pakikilahok ng mga mag-aaral, estratehiya sa pagkatuto, kasanayang pangwika, Pilipinas

Abstract

Marami sa mga mag-aaral na Pilipino sa kasalukuyan ang mas gumagamit ng Ingles kung kaya nahihirapan sila sa pagkatuo ng Wikang Filipino. Nawawalan din sila ng interes sa pagkatuto nito kung kaya mababa ang kasanayan nila sa wikang ito. Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang makabuluhang impluwensiya ng pananaw sa Artificial Intelligence at pakikilahok ng mga mag-aaral bilang prediktor ng estratehiya sa pagkatuto ng kasanayang pangwika. Ginamit dito ang kwantitatibong descriptive-correlational na disenyo ng pananaliksik at inadapt ang tatlong talatanungang-sarbey na isinalin sa Filipino. Nagsagawa muna ng pre-sarbey para sa bilang ng gumagamit ng ChatGPT at ginamit ang stratified random sampling sa pagpili ng dalawang-daan at limampung kalahok na mag-aaral sa Senior High School mula sa mga pampublikong paaralan ng Unang Distrito, Lungsod ng Davao. Inihayag sa resulta ng mean at standard deviation na ang antas ng tatlong baryabol ay parehong mataas. Dagdag na rin ang resulta ng Pearson r na ang pananaw sa AI, pati ang pakikilahok ng mga mag-aaral ay pareho ring may positibong makabuluhang ugnayan sa di malayang baryabol. Mula naman sa regression analysis, ang pinagsamang impluwensiya ng dalawang malayang baryabol sa estratehiya sa pagkatuto ng kasanayang pangwika ay may interpretasyon na makabuluhan. 

Downloads

Published

2026-04-28

Issue

Section

Articles