ANG TAGAPAMAGITANG Epekto ng Kasanayang Pangkomunikatibo sa pagitan ng ugnayan ng Pakikilahok at Pang-akademikong Motibasyon ng mga MAG-AARAL
Keywords:
kasanayang pangkomunikatibo, pakikilahok ng mga mag-aaral, akademikong motibasyon, PilipinasAbstract
Ang pananaliksik na ito ay isang kwantitatibong deskriptib-korelasyonal na naglalayong suriin ang antas at ugnayan ng pakikilahok, akademikong motibasyon, at kasanayang pangkomunikatibo ng dalawang daan at limampung mga mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng Senior High School sa Lungsod ng Koronadal, Probinsya ng Timog Cotabato. Pinili ang mga respondente gamit ang purposive random sampling upang matiyak ang representasyon ng mga mag-aaral. Gumamit ng isinaling talatanungan na hinango mula sa mga naunang pag-aaral. Ipinroseso ang mga datos gamit ang mean, standard deviation, pearson r correlation, at mediation analysis na sinamahan ng bootstrapping technique upang matukoy ang direkta at hindi direktang epekto ng mga baryabol. Lumabas sa resulta na ang lahat ng baryabol ay nasa mataas na antas at may positibong ugnayan sa isa’t isa. Natukoy rin na ang kasanayang pangkomunikatibo ay may bahagyang tagapamagitang epekto sa ugnayan ng pakikilahok at akademikong motibasyon. Iminumungkahi ng pag-aaral ang paggamit ng mga komunikatibo at interaktibong estratehiya sa pagtuturo upang higit pang mapaunlad ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.