UGNAYAN ng Motibasyon sa Pagbasa at Kasanayang pagsulat sa Pakikilahok ng mga Mag-aaral sa KLASE
Keywords:
Motibasyon sa pagbasa, kasanayang pagsulat, pakikilahok sa klase, asignaturang Filipino, penomenolohikal, deskriptibong-korelasyonal, PilipinasAbstract
Ang pananaliksik ay naglahad sa makabuluhang ugnayan ng motibasyon sa pagbasa at kasanayang pagsulat sa pakikilahok sa klase, dalawang daan at walumpu’t isang mag-aaral na may asignaturang Filipino sa tatlong pribadong paaralan sa Lungsod ng Digos ang naging mga respondente. Isang kwantitatibong pamamaraan na deskriptibong-korelasyonal ang ginamit, raosoft application, cluster sampling, mga balidasyon na talatanungan ay inangkop at estadistika na gamit. Ipinakita ng resulta na may katamtamang antas ng motibasyon sa pagbasa, katamtamang antas ng kasanayan sa pagsulat, at mataas na antas ng pakikilahok ng mga mag-aaral. Ipinakita ng resulta na ang motibasyon sa pagbasa ay may mababang positibong relasyon sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral at ang kasanayang pagsulat ay may makabuluhang positibong katamtamang relasyon sa pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral. Mayroong makabuluhang impluwensiya sa pagitan ng motibasyon sa pagbasa at pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral at kasanayang pagsulat at pakikilahok sa klase ng mga mag-aaral. Bilang karagdagan, ang kasanayang pagsulat ay higit na nakaimpluwensiya sa pakikilahok ng mga mag-aaral kumpara sa motibasyon sa pagbasa.