KASANAYAN sa Pagsulat at Motibasyon sa Pagbasa sa Pagkatutong Pangwika ng mga Mag-aaral sa Alternative Learning SYSTEM

Authors

  • Kimberly L. Origenes-Angco Tubod National High School Author
  • Dr. Mildred P. Galvez University of the Immaculate Conception image/svg+xml Author

Keywords:

Kasanayan sa pagsulat, motibasyon sa pagbasa, pagkatutong pangwika, Alternative Learning System (ALS), deskriptibong-korelasyonal, Pilipinas

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay sinuri sa makabuluhang ugnayan ng kasanayan sa pagsulat at motibasyon sa pagbasa sa pagkatutong pangwika ng mga mag-aaral ng Alternative Learning System. Isang kwantitatibong pamamaraan na gamit ang deskriptibong-korelasyonal. Pinili ang dalawang daan at limampung kalahok mula sa Alternative Learning System ng mga pampublikong paaralan sa Sangay ng Davao del Norte gamit ang raosoft application, stratified random sampling, at tatlong inangkop na beripikadong talatanungang-sarbey na isinalin sa Filipino. Lumabas sa resulta na may napakataas na antas ang tatlong baryabol ayon sa mga resulta ng mean at standard deviation. Dagdag pa sa mga natuklasan, ipinakita ng resulta ng Pearson r na mayroong napakahinang positibong ugnayan sa pagitan ng kasanayan sa pagsulat at pagkatutong pangwika, samantalang ang motibasyon sa pagbasa ay may katamtamang antas ng makabuluhang ugnayan sa di-malayang baryabol. Kasunod nito, ipinahihiwatig ng resulta ng multiple regression na ang kasanayan sa pagsulat ay hindi naging makabuluhang salik na tagapamagitan sa pagkatutong pangwika ng mga mag-aaral, habang ang motibasyon sa pagbasa ay lumilitaw na may mahalagang gampanin sa pagpapabuti ng kanilang kakayahang pangwika.

Downloads

Published

2026-04-28

Issue

Section

Articles